Napunta kami sa propesyong ito bilang isang Migration at naitatag ang Down Under Visa ilang taon na ang nakaraan, sa kadahilanan na nais naming makatulong.Ginawa ko ito nuon, at hanggang ngayon, ito parin ang aking hilig. Ito talaga ang hilig ko sa buhay ang makatulong. Pitong taon ang ginugol ko bilang isang single dad sa dalawa kung anak na mga lalaki. Pitong taon sa kadahilanang ayaw ko lang na basta na lang lumagay sa tahimik. Dahil gusto ko ng isang magandang buhay, buhay may asawa, isang magandang pamilya at mapagmahal na asawa. At nuong panahong nagdesisyon akong humanap ng mapapangasawa sa Pilipinas at nakilala ko si Mila ang pangarap ko ay aking nakamit……hanggang ngayon. Sa ngayon, magkatuwang kaming tumutulong sa ibang tao na makahanap din ng ganitong kaligayahan,na sila ay makontento sa kanilang pagsasama at sa kanilang buhay pamilya.
Sa bahaging o sa parting ito,ay marami pa kaming gustong gawin, hindi lamang sa pagkuha ng visa para sa mag-asawa. Gusto rin namin na ang kanilang pagsasama ay maging maayos, at tatagal pa ng maraming taon pagkatapos nilang kailanganin ang aming tulong bilang isang Migration agents. Ito ang laging na sa isip ko, maraming taon na ang nakaraan ako ay may naisip na idea ito ay ang filipinawives.downundervisa.com site. Naisip ko ito nuong flight ko mula Manila pabalik sa Brisbane, at pagdating ko sa bahay ginawa ko ang artikulo na ito sa loob lamang ng anim na oras. Pagkatapos dinagdagan ko pa ito sa paglipas ng mga taon, at dumami ng husto ang laman nito. Pinaayos ko ito sa isang dalubhang tao sa website mga anim na buwan na ang nakalilipas.
Ginawa din namin ang filipinawives.wordpress.com site, na isang BLOG format. At ito ang pangunahing dahilan ng artikulong ito!
Kamakailan lamang ay nakipag kasundo kami sa isang kilalang may akda na si Perry Gamsby na magsulat ng mga artikulo para sa amin. Si Perry ay maraming kaalaman tungkol sa Pilipinas at tungkol sa Fil-Australian marriages, siya ay isang ex-pat dito sa loob ng maraming taon at nakapangasawa ng isang Pilipina na si Amelita at dito rin nila nabuo ang isang masayang pamilya, sila ay may limang mga anak na babae (Mayroon akong pitong anak na babae, kaya mas lamang ako!). Siya ay napakagaling at madaling magpatawa.
Si Perry ay magsusulat ng isang artikulo sa isang linggo para sa amin. Mayroon na kaming dalawang nailabas na, at Mayroon pa kaming anim na ilalabas pa. Ang mga ito ay napakagandang basahin, at tutulungan namin kayo na unawain o maunawaan ang inyong Filipina, na inyong asawa o magiging asawa pa lang. Kung mas mauunawaan mo sya, mas magiging matatag ang inyong pag sasama at ang inyong buhay mag asawa.
Kaya mangyari lamang na pumunta sa filipinawives.wordpress.com at i-click ang FOLLOW popup sa ibabang kanang bahagi. Iposisyon ang iyong mouse pointer-doon, at lilitaw ito. Mag-sign up. At kumpirmahin ang iyong pagpaparehistro kapag nakatanggap kyo ng followup email. Kapag itoy inyong kinumpirma kayo ay makakakuha ng isang email minsan sa isang linggo kapag ang mga artikulo ay nai-publish na. Ito ay walang gastos. Lahat ay kapakipakinabang at walang mawawala sa inyo!
Questions: Please search our BLOG menu or Visa Knowledge Base
Questions about visa types we don’t handle, or about countries we don’t apply for visas from, will not be answered, Philippines to Australia visas for couples and families only.
Do you have suggestions for topics you would like to read an article about? Click HERE and we will see what we can do!