Ang daming mga forum sa internet na kung saan sila ay nagbibigay ng payo tungkol sa Australian visa applications. Kahit sino duon sa forum ay pinag uusapan nila ang kanilang naging experiences at magbibigay na sila ng payo kung paano makakuha ng visa. Yung mga taong nagbibigay ng payo ang iba sa kanila ay isang Australians o Filipinos na kung saan sila ay nag apply ng kanilang sariling visa, or baka sila ay naghihintay ng kanilang visa. Wala silang qualifications pero sila ay nagpapayo at nagsasabi sa iba kung ano ang dapat gawin.
Sa Down Under Visa lagi naming naririnig sa aming mga kleyente na lagi nilang tinatanong ang aming mga payo sa kanila dahil sa nababasa nila sa forum na iba ang payo namin kisa sa forum. Ang ibang payo duon ay medyo mali at ang iba duon ay napakadelikado at baka yun pa ang dahilan na ma refused ang visa ninyo.
Tandaan ninyo na ang Down Under Visa ay pinangangasiwaan ng aking asawa na isang Registered Migration Agent. Mayruon siyang qualification sa University at siya ay nag-aaral kada isang taon ng training courses para ma update siya sa mga pagbabago ng batas ng Migration , at kailangan din niyang sundin ang regulasyon ng Code of Conduct bilang isang Registradong Migration Agents dahil kung hindi siya susunod puwede siyang mapahamak at mawalan ng kanyang registration bilang isang Migration Agents. Itong mga taong ito sa forum, ni hindi mo sila mga kilala kung sino sila.
At mahigit sa isang daan ang aming pinag sa submit na mga visa applications kada taon, at maraming taon na naming ginagawa ito. Kaya ang dami na naming mga experiences sa ibat ibang tao, ibat ibang setwasyon at ibat ibang problema. Mas mabuti pang makinig kayo sa amin kisa sa taong baka isang beses lang nabigyan ng visa grant.
Kaya ang pakiusap namin sa inyo huwag kayong makinig sa mga forums. Maari kayong magtanong sa amin kung hindi kayo sigurado sa isang bagay. Huwag kayong makipag sapalaran dahil baka mawala itong lahat sa inyo.
Mila Harvie is the wife and very active business partner of Jeff Harvie, Registered Migration Agent. Together with their son Jeremy Harvie and some dedicated staff they run Down Under Visa, that well-known and very busy Migration Agency in Manila, Philippines. She takes care of the needs of our Filipino clients, especially the Filipina ladies who find it much easier having another Filipina to talk to and to discuss their issues and problems.
Questions: Please search our BLOG menu or Visa Knowledge Base
Questions about visa types we don’t handle, or about countries we don’t apply for visas from, will not be answered, Philippines to Australia visas for couples and families only.
Do you have suggestions for topics you would like to read an article about? Click HERE and we will see what we can do!